Bakit Kulot ang Buhok ni Lotlot? ni Anthonet J. Sunga

  Si Lotlot ay isinilang na kulot ang buhok, itim at kapansin pansin ng marami.

 Ang kanyang inang si Aling Juana at amang si Mang Romy ay nagmamay ari ng isang Karenderia malapit sa Simbahan ng Antipolo,Kwento ng kanyang ina , minana pa nila ang pagkakarenderia sa kanyang Lola Juliana.

 "Alam mo anak naging parte na ng kasaysayan ang ating hanap buhay na pagkakarenderya, Maraming ng deboto, namamanata maging manlalakbay mula sa ibat ibang lugar ang nabusog na ng ating payak na karenderya, dahil sa mahabang lakaran dagdag pa ang malamig na klima,marami ang nagpapahinga at kumakain sa ating karenderya.” 

 Sa pagdadalaga ni Lotlot nagkaroon siya ng kamalayan sa mga pagbabago sa kanyang katawan, at isa sa mga alalahanin niya ay ang kayang kulot na buhok, napansin niyang kaka iba ang kanyang buhok sa kanyang mga kamag aral, si Tina mahaba at deretso ang buhok, si Lea maiksi at tuwid din buhok na may palamuti pa, Lalong nabagabag si lotlot ng minsang siyang lapitan ni Rochel habang nag rerecess. “Lotlot tignan mo ang balat ng baon kong suman, parehas sa buhok mong kulot.”

 Simula noon lalong nakaramdam ng hiya sa Lotlot, naisipan niyang magsuot ng sumbrero o minsan bandana upang matakpan ang kanya buhok, madalang na ding makisalamuha at laging nasa loob ng bahay. “Anak, napapansin namin ng iyong ama na lagi kang malungkot at hindi na nakikisalamuha sa iyong mga kaibigan,” paglalahad ni Aling Juana. Ganun din anak lagi ka na lamang naka sumbrero o may takip sa iyong ulo, ano bang nangyayari? 

 “Nahihiya po kasi ako sa aking kulot na buhok, di ko rin maiwasang magtaka kung bakit akoy kulot maging kayo po ni nanay ay deretso naman ang buhok.” Hindi nila maiwasang maluha dahil ramdam nila ang lungkot nito, ganun pa man tumayo si Aling Juana at nagtungo sa kanilang silid, paglabas nito dala niya ang isang kahon, nasa loob nito ang isang suklay na may palamuti, kasama ang isang larawan, laking gulat ni lotlot dahil ang nasa larawan ay isang babae na mayroon ding kulot at mahabang buhok kagaya niya. “Anak, siya ang iyong Lola Juliana, parehas kayong kulot ang buhok, marahil sa kanya mo namana ang pagiging kulot mo” may pahihikbing sabi ni Aling Juana. “Ngunit hindi lang buhok ang namana mo sa iyong Lola, Parehas din kayong masipag at matulungin. Alam mo bang ang iyong Lola Juliana kahit sa payak niyang pagkakarenderia ay marami ng natulungan, at kung siya man ay nabubuhay pa ngayon sigurado akong masaya siyang makita na ang kayang nag iisang apo ay katulad niyang kulot ang buhok,” wika ni aling Juana. Nakaramdam ng saya si Lotlot, naisip niya isang espesyal na panama mula sa kanyang Lola Juliana ang kanyang kulot na buhok, simula noon mas lalo pang inalagaan ni lotlot ang kanyang kulot na buhok , at sa tuwing may nagtatanong kung bakit kulot ang kanya buhok buong pagmamalaki nitong sinasabi na ito ay pamana ng kanyang masipag at matulunging Lola Juliana.

 Anthonet Jimenez Sunga, is  a Grade 6 Teacher at Sta. Cruz Elementary School in Antipolo City, She Graduated her Masters Degree major in Educational Management at Marikina Polytechnic College last 2023 and currently taking Doctor of Education major in Educational Management at Philippine Christian University Manila.

The Teachers' Guide International Magazine, January 31, 2025 (ISSN 2984-9799)


Previous Post Next Post