by Cristina O. Mesana
Kahit saan ko ibaling ang aking paningin ay abala at masigla ang mga tao, si nanay ay abala sa pagluluto at paghahanda ng iba’t ibang pagkain na nakakatakam sa amoy palang ay talagang ako ay nagutom! May adobo, pansit, bibingka, puto, suman, mayroon pang palitaw, kutsinta maja blanca mga pagkaing pinoy na masarap at gustung gusto ko talaga! Marami din tao na naglalakad at nakabihis ng magagandang damit at may ngiti sa kanilang mga labi.May grupo ng mga lalaki at kasama si kuya at ang kanyang mga kaibigan na nag-aayos ng mga ilaw at nakita ko rin si ate at ilang mga kabataang babae na tumutulong sa pag-aayos ng bulaklak sa mga sasakyan na gagamitin sa prosisyon at ang aming simhabahan ay punong-puno ng mga naggagandahan at iba’ ibang bulaklak alay sa Patron ng Kapistahan. May mga kabataan din na masayang nagtutulong-tulong sa paggawa at paglalagay ng banderitas at dekorasyon sa plasa, entablado at kalsada. Si tatay naman ay nag-aayos ng aming bakuran at ilang mga halaman, ang mga batang tulad ko ay hindi rin pahuhuli. Kami ay katulong sa paglilinis ng bahay at pagwawalis ng aming bakuran.
Maraming tao sa plasa maraming nagtitinda ng pagkain, laruan, damit, at lobo na may iba’t-ibang hugis, kulay at laki na talagang kay gaganda. May mga paligsahan sa sayaw, awit, may karera pa ng bangka kung ikaw ay magagawi sa aming tabing dagat! at iba’t ibang uri ng laro na talagang kawiwilihan mo, at may musikong lumiligid sa buong bayan na may iba’t ibang tunog na talagang di mapipigalang mapaindak. Walang pagod sa buong maghapon ganyan sa aming bayan tunay na kawiliwili tuwing may pista lahat ay masigla kahit kubo ay may handa. Sa aming bayan bata’t matanda ay abala lahat ay masaya sa paghahanda sa pagsalubong ng pista.
Cristina O. Mesana is a Grade 1 Teacher at Wasig Elementary School, Mansalay District, Provice of Oriental Mindoro. She took units in Master’s of Education major in Educational Management.